Wednesday, 24 August 2011

Sino Ako?

'Di ko alam ang aking pangalan,
    'di ko alam sino ang aking mga magulang,
Ako'y nangungulila sa pagmamahal
    at pag- aaruga sa aking mga magulang.

Ako'y lubos na nalulungkot
    'di ko alam saan ako tutungo
'di ko alam saan ako titira
    'di ko alam saan ako uuwi.

Ako'y lumuluha
    'di ko alam ang aking gagawin
'di ko alam ang aking patutunguhan

Wala akong malalapitan
    Wala akong matutuluyan.

Ako'y hirap na hirap
    Sino ang aking mga magulang?
Sino ang aking mga kapatid?
    Sino ang aking malalapitan?
Sino ang aking masasandalan?
    Sino siya?
Sino ako?

No comments:

Post a Comment